Target ng pamunuan ng Department of Finance na palakasin ang disaster preparedness ng mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Layon ng inisyatibang ito na maging handa ang lahat ng LGU tuwing may tumatamang bagyo o kalamidad.
Ginawa ng ahensya ang naturang pahayag matapos na maramdaman ang epekto ng bagyong Kristine sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa 40 probinsya, 73 cities at 733 municipalities ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Ayon sa ahensya, tututukan rin nila ang climate adaptation initiatives na nakapaloob sa People’s Survival Fund.
Ito ay nagkabisa matapos na maging batas o kilala sa RA 10174 na nagsisibing taunang pondo ng mga lokal na pamahalaan at iba pang accredited local community organizations.
Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na walang pa tid na isinusulong ng Bureau of Local Government Finance ang mga karagdagang micro-insurance coverage na makatutulong sa vulnerable sector ng mga lokal na pamahalaan.