-- Advertisements --

Sisimulan na ngayong buwan ang pagkulekta ng mga income taxes mula sa dayuhang manggagawa sa Philippine offshore gaming operators (POGO).

Sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez, na inaasahan na mayroong P2 billion kada buwan ang kanilang makukulekta sa halos 100,000 na mga offshore gaming workers.

Duda rin ito sa naging pahayag ng ilang mga dayuhang manggagawa na $500 o mahigit P25,000 ang kanilang sahod dahil may nakita itong advertisement sa China na aabot sa $10,000 o mahigit P500,000 ang sinasahod ng nasabing mga empleyado.

Bukod sa mga income taxes ay dapat magbayad ang mga POGO workers ng SSS, Pag-Ibig at Philhealth contributions.