-- Advertisements --
Binigyang diin ng Department of Finance na nananatiling sapat ang mga polisiya at estratehiya ng Pilipinas pagdating sa usapin ng Environment, Social and Governance (ESG) compliance.
Sa pahayag ng ahensya sinabi nito na katuwang nila ang iba pang concerned agencies ng pamahalaan maging ang ilang pribadong sektor na bumubuo sa Climate Finance Strategy.
Nilalayon ng naturang estratehiya na mabigyan ng kaukulang pondo ang climate priorities ng Pilipinas.
Sa ganitong paraan ay masusuportahan ang membership pagdating sa global multilateral funds.
Makakatulong din ito para mapataas ang sustainable finance effort.
Upang makamit ang climate-resilient Philippines, ito ang magsisilbing blueprint sa usapin ng climate related activities ng bansa.