-- Advertisements --

Mahigpit umanong makikipagtulungan ang Department of Finance (DOF) sa Department of Health (DOH) para sa pagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon at paliwanag sa mga miyembro ng susunod na Kongreso para suportahan ang pagpapasa ng dagdag na buwis sa mga nakalalasing na inumin o alak.

Sinabi ni Finance Assistant Sec. Tony Lambino, mahalagang maisabatas ang dagdag buwis sa alcoholic drinks dahil maliban sa isa itong health measure na isinusulong ng DOH para mapababa ang bilang ng alcohol-related diseases, paghuhugutan rin ito ng dagdag na pondo para sa Universal Health Care Law.

Ayon kay Asec. Lambino, ang bersyon ng panukala na isinusulong ni Sen. Manny Pacquiao na Senate Bill 2197 ay kapareho ng proposal ng DOH at DOF kung saan bubuwisan ng P40 kada litro ang mga alak. Makakalikom ng P32 billion na pondo ang pamahalaan para sa unang taon ng implementasyon nito.

Ang bersyon naman ng panukalang batas na ito sa Kamara ay una nang naipasa noong 2018.