-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Magsasagawa ng “Dog Walk for a Cause: Bangon, Oragon Ka” ang Legazpi City Veterinary Office kasama ang iba pang organisasyon ng pet owners, sa Nobyembre 28.

Layunin ng aktibidad na mahikayat ang mga responsible pet owners na tumulong sa mga naapektuhan ng nakalipas na mga bagyo at makapag-bonding sa mga alagang hayop.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Manny Estipona sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, alay-lakad ito para sa pagbangon ng mga biktima ng nakalipas na bagyo partikular na ang Super Typhoon Rolly.

Kabilang sa proceeds ng event ang ibibili ng yero para sa mga nawalan ng bubong dahil sa bagyo.

Maliban dito, contest din ang naturang event na umaasa na magkakaroon ng positibong impact sa kabola ng pandemic at iba pang mga pagsubok.

Hangad rin ni Estipona ang partisipasyon ng 15,000 na dog owners sa Legazpi para sa naturang aktibidad.