-- Advertisements --
BOMBO VACCINATION REYMUND RTVM DUQUE A4
IMAGE | Health Sec. Francisco Duque III (right) administering a COVID-19 shot to Bombo Radyo reporter Reymund Tinaza during the symbolic vaccination of the A4 priority group in a mall in Pasay City. Workers from private media companies are among the eligible sectors under A4/Screengrab, RTVM

MANILA – Tinatayang 12-milyong essential workers o mga indibidwal mula sa A4 priority group ang target bakunahan ng pamahalaan laban sa COVID-19 sa mga lugar na sakop ng tinaguriang “NCR Plus 8.”

Ngayong Lunes, June 7, opisyal na sinimulan ng gobyerno ang pagbabakuna sa A4 sector na kinabibilangan ng lahat ng empleyado maliban sa mga naka-work from home.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa buong bansa may tinatayang 22-milyong essential workers na dapat maturukan ng COVID-19 vaccine.

Kabilang sa mga lugar na pwede ng magbakuna sa mga A4 ay ang National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cebu City at Davao City.

Paliwanag ng opisyal naka-depende pa rin sa supply ng COVID-19 vaccines ang tagumpay ng pagbabakuna sa essential workers.

“Kaya tayo naga-gradual ng expansion, nagsa-simultaneous vaccination pero syempre kailangan pa rin siguraduhin na yung most vulnerable natin nabibigyan natin ng bakuna.”

Nitong Linggo nang dumating ang karagdagang 1-million doses ng Sinovac vaccines na binili ng pamahalaan sa China.

Ngayong buwan may mga inaasahan pang delivery ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ng World Health Organization.

Kabilang sa mga inaasahang darating na bakuna ay ang AstraZeneca at Pfizer-BioNTech vaccines.