CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU ng Deparment of Health XII ng Contact Tracing Training para sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa Pigcawayan, Cotabato.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng mas pinalalakas na istratehiya ng naturang ahensiya upang maiwasan ang mas lalo pang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon sa LGU-Picawayan, layon nito na maging handa ang bayan kung sakali mang magkakaroon ng local transmission ng COVID-19.
Samantala, hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga partisipante ng nabanggit na pagsasanay ng kooperasyon bilang frontline workers ng kani-kanilang mga barangay.
Unang sumailalim sa contact tracing training ang BHERT members ng 20 barangay sa Pigcawayan kung saan hinati sa dalawang batch ang kabuoang 40 barangay ng bayan upang masiguro na nasusunod ang physical distancing sa pagsasagawa nito.