-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagtala ng maraming bagong kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19) ang rehiyon-12 pero marami rin ang gumaling ayon sa Department of Health.

Nitong gabi ng Huwebes, nakapagtala ang DOH-12 ng karagdagang 159 na bagong kaso habang 158 naman ang gumaling.

Sa ngayon ay pumalo na sa 9,687 ang ang total coronavirus infections sa rehiyon habang nasa 7,756 naman ang total recoveries.

Sa mga nagpositibo sa nakakahawang sakit pinakamarami ang naitala sa General Santos City na umabot sa 69, sinundan ng South Cotabato na mayroong 35, Sarangani ay may 32 na bagong kaso, North Cotabato 14 at Sultan Kudarat 9.

Samantala, 90 naman ang naitalang gumaling sa South Cotabato, 28 Gen. Santos City, 21 North Cotabato, 15 Sarangani at 4 Sultan Kudarat.

Apat naman ang namatay pa dahil sa Covid-19.

Dalawa sa mga ito ay taga Gen. Santos City at dalawa rin sa Tacurong City.

Dahil dito, pumalo na sa 307 ang covid-19 related deaths sa rehiyon.

Nasa 1,613 naman ang mga pasyenteng nagpapagaling pa mula sa Covid-19 disease.