-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nananawagan ang Department of Health (DOH-12) sa mga taong nakilibing kay PH600 na nasawi dahil sa coronavirus disease sa Sultan Kudarat.

Nais ng DOH-12 na makipag-ugnayan ang mga ito sa kani-kanilang Local Goverment Unit (LGU) o local health authorities sa kanilang lugar.

Ayon kay Arjohn Gangoso ng DOH 12, dapat na mabigyan ng sapat na instruction ang mga ito kaugnay sa pagsasailalim sa home quarantine.

Aniya ang ginagawa ngayon ng kanilang ahensya ay ang mga precautionary measures kung sakali na mayroong magkakasakit na kabilang sa mga nakilibing.

Ito ay upang makagawa kaagad ng aksyon para hindi na kumalat pa ang virus.

Patuloy naman ang contact tracing sa mga taong may direct contact sa namatay na pasyente.

Panawagan ni Dr. Gangoso sa mga person under monitoring (PUM) at patient under investigation (PUI) na kumpletuhin ang home quarantine.

Sa ngayon, nananatiling tatlo ang namatay dahil sa coronavirus sa Region 12 kung saan ang isa ay nagmula sa Sultan Kudarat.