-- Advertisements --

Nakapagtala pa ng 128 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw, March 30.

Dahil dito umakyat na sa 1,546 ang total number ng positibo sa naturang virus sa buong bansa.

Walang nadagdag sa mga gumaling, pero may pito mula sa total na bilang ang namatay.

Batay sa data ng DOH, walang travel history o known exposure sa positive case ang mga namatay na sina: PH149 na babaeng 61-year old mula Makati City; PH587 na lalaking 79-year old mula Muntinlupa City; PH647, isang 43-year old na taga-Paranaque City; at PH1446 na lalaking 58-year old mull Davao City.

Hindi naman tiyak kung nagka-exposure o travel history ang iba pa na sina PH1488 na 60-year old male mula Muntinlupa City; PH1447 na lalaking 47-anyos mula Davao City; at PH1489, na lalaking 74-anyos at taga Quezon City.