Lumobo pa sa 46,333 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), umabot sa 2,099 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na sumampa sa mahigit 2,000 ang mga COVID cases.
Sa nasabing bilang, 1,258 ang itinuturing na mga fresh cases o mga kaso ang fresh cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta ng test at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.
Ang late cases naman o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta ng test sa nakalipas na apat na araw ngunit ngayon lang na-validate ay nasa 841.
Sa ngayon, nasa 32,845 na ang kabuuang bilang ng mga active cases sa buong bansa.
Samantala, may naitala namang 243 na mga panibagong gumaling mula sa deadly virus, kaya umabot na sa 12,185 ang kabuuang recoveries.
Anim naman ang nadagdag sa death toll, dahilan para umakyat sa 1,303 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit.