CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Region 2 ng 35 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 26 ang nakarekober.
Batay sa datos mula sa Department of Health (DOH), 35 panibagong kaso ay isa ang mula sa lalawigan ng Cagayan at ang 34 ay mula sa Isabela kabilang na ang dalawa sa Santiago City.
Ang bagong kaso sa Cagayan ay mula sa bayan ng Gonzaga habang ang 34 sa Isabela ay 29 sa Ilagan City, dalawa sa Santiago City at tig-iisa sa Cauayan City at mga bayan ng Quezon at Alicia.
Sa kabuuan ay umabot na sa 2,160 ang naitalang kaso sa rehiyon habang 1,698 na ang nakarekober.
Dahil dito, 427 na lamang ang aktibong kaso habang 35 ang nasawi.
Sa ngayon ay umabot na sa 926 ang naitalang kaso sa Isabela, 363 ang aktibong kaso, at 11 ang nasawi.
Habang sa Santiago City ay umabot na sa 108 ang naitalang kaso, 20 ang aktibong kaso, 87 ang nakarekober habang isa ang nasawi.
Sa lalawigan naman ng Cagayan ay may naitala ng 532 na kaso, 96 ang active case, 430 ang nakarekober habang anim ang nasawi.
Sa Nueva Vizcaya ay may 587 na naitalang kaso, 22 ang aktibong kaso habang 548 ang nakarekober at labimpito ang nasawi.
Sa probinsya ng Batanes ay dalawa at ang isa ay nakarekober na habang sa lalawigan ng Quirino ay nananatiling lima na pawang nakarekober na.