-- Advertisements --

Lumobo pa sa 209,544 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw.

Sa pinakahuling case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), nadagdagan pa ng 3,999 ang mga COVID-19 cases sa bansa, base sa datos na isinumite ng 101 mula sa 110 mga laboratoryo.

Pinakamarami pa ring mga naitalang kaso sa National Capital Region, Region 4A at sa lalawigan ng Cebu.

Umakyat naman sa 71,745 ang mga itinuturing na active cases.

Samantala, pumalo na sa 134,474 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, matapos madagdagan ng 510 ngayong araw.

Habang may 3,325 namang bagong namatay kaya lumaki pa ang death toll sa 3,325.

May 36 duplicates din ang inalis sa total case count kung saan 12 rito ay naunang iniulat na mga recoveries.

Mayroon ding 14 cases na unang ni-report na recoveries ngunit natuklasan na mga death cases pala matapos ang final validation.