CEBU CITY – Inaasahan na ngayon ang pagdating ng 40 medical doctors mula Region 6 sa Central Visayas para umagapay sa COVID-19 situation ng rehiyon.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Mary Jean P. Loreche, chief pathologist ng Department of Health (DOH)-7, sa panayam ng
Ayon kay Loreche, hindi naman daw nagkulang ng mga medical doctors ang Region 7 ngunit ito talaga umano ang kailangan dahil ide-deploy ang mga ito hindi lmaang sa mga ospital kundi pati na sa mga isolation centers sa iba’t ibang lokasyon.
Darating ang nasabing mga medical doctors by batch kung saan 10 ang unang darating ngayong linggo at susunod naman ang iba pang grupo.
Samantala, aabot na sa 7,412 ang natalang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Central Visayas matapos nadagdagan ng 255 new confirmed cases.
Batay sa report na galing sa DOH-7, nasa 5,370 ang mga nahawaan ng virus sa Cebu City, sumunod naman ang Mandaue City na may 684 cases at 421 naman sa Lapu-Lapu City.
Sa kabuuan, 879 na ang natalang kaso sa Cebu Province; 28 sa Negros Oriental; at 30 mula naman sa Bohol; habang COVID-19 free pa rin ang lalawigan ng Siquijor.
Sa naturang bilang aabot na 4,305 ang active cases sa Region 7 habang 256 na ang namatay ngunit 2,851 naman ang gumaling na.