-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ginagawang accreditation ng Department of Health (DOH) sa mga laboratoryo para maging certified testing center sa coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa huling data ng DOH, may 45 nang lisensyadong laboratoryo na gumagawa ng RT-PCR testing.
Samantalang 15 naman ang laboratoryo para sa testing na gumagamit ng GenExpert machines.
Kabuuang 153 daw ang bilang ng mga aplikasyon ngayon, pero 132 na ang nasa Stage 3 pataas ng accreditation.
Katumbas ito ng 86-percent mula sa total na numero ng mga aplikasyon.
Nitong araw nang inspeksyunin daw ni Health Sec. Francisco Duque ang modular laboratory na donated ng United Laboratories, Inc. (Unilab) na naka-pwesto sa Veterans Memorial Medical Center.