-- Advertisements --

Lumobo pa sa 187,249 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw.

Sa pinakahuling case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), umabot sa 4,933 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang iniulat batay sa mga test na isinagawa ng 97 mula sa 109 na mga laboratoryo.

Sa nasabing bilang, karamihan sa mga kaso ang naitala sa nakalipas na dalawang linggo.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang bagong kaso ang Metro Manila na may 2,316, Region 4A na may 826, at Region 3 na may 242.

Samantala, nadagdagan ng 436 ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19, kaya umakyat pa sa 114,921 ang total number ng mga recoveries.

May 26 namang nadagdag sa mga binawian ng buhay dahil sa virus, kaya lumaki pa ang death toll sa 2,966.

Sa panibagong bilang ng mga nasawi 13 ang naitala ngayong buwan, 10 noong Hulyo, at tig-iisa naman mula Abril hanggang Hunyo.

May 49 duplicates din ang tinanggal sa total case count kung saan 15 recovered cases ang inalis.

Maliban dito, may 19 kaso din ang naunang ini-report na naka-recover ngunit matapos ang final validation, natuklasan na ito ay isang death case at 18 active cases.