Regional Immunization Summit, idinaos upang pahusayin pa ang mga hakbangin sa pagbabakuna sa Central Visayas; DOH-7, bigong maabot ang 95% immunization target na nasa 65.68% pa lamang
Bigong maabot ng Department of Health-7 ang 95% target ng “Fully Immunized Child” (FIC) sa Central Visayas kung saan nasa 65.68% pa lamang.
Ito’y batay sa data na iprinesenta kahapon,Setyembre 13, kasabay ng idinaos na 2024 Regional Immunization Summit sa Mandaue City na layong pahusayin ang mga hakbangin sa pagbabakuna sa rehiyon.
Batay pa sa datos para sa taong ito, 25.66% lang ang compliance sa lalawigan ng Bohol; 28.58 % sa Cebu province; Negros Oriental na may 26.44%; at Siquijor na 25.42%.
Habang sa mga highly urbanized cities, nasa 32.34 % ang Cebu City; Lapu-Lapu City sa 35.49 percent; at Mandaue City sa 45.38 %.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang health department na maabot ang 95% target dahil magbibigay pa umano ito ng kaligtasan sa mga bata laban sa mga sakit at magpapababa sa posibilidad ng pagkakaroon outbreak.
Samantala, binigyang diin pa ni DOH-7 Dr. Director Jaime Bernadas ang kahalagahan ng lokal na pamahalaan, public at private partnerships, stakeholders, at ang komunidad sa pagpapalakas ng national immunization program.
Kinikilala din ni Bernadas ang kahalagahan ng pagpapabuti ng mga paraan ng pagkolekta at paggamit ng data upang mabilis na tumugon sa anumang naobserbahang mga gap sa saklaw ng pagbabakuna.