Naghost ang Department of Health-7 ng kauna-unahang Mental Health and Substance Abuse Summit sa isang hotel nitong lungsod ng Cebu.
Ang dalawang araw na summit na nagsisimula kahapon, Oktubre 09, ay naglalayong mapataas ang kamalayan sa isyu ng mental health at substance abuse sa rehiyon at upang mapakilos ang susporta para sa overall mental health.
Nagsilbi pa itong plataporma para sa lahat ng stakeholders na nakikibahagi sa pagsisikap upang ibahagi ang kanilang trabaho at talakayin ang karagdagang aksyon para matiyak ang accessible na pangangalaga sa kalusugan ng isip sa mga tao dito.
Ayon pa sa kagawaran, ang Central Visayas ang pangalawang pinakamataas na bahagi ng mga barangay na apektado ng droga sa Pilipinas noong 2022, kasunod ng National Capital Region.
Sa naging mensahe ni Regional Director Dr. Jaime Bernadas, iginiit nito na ang “substance abuse” ay isang pasanin sa lipunan hindi lamang sa isang isyu ng indibidwal na pag-access sa ipinagbabawal na droga ngunit talagang naging isang malaking problema sa lipunan.
Inilarawan pa niyang ‘very challenging’ ang mental health sa transition ng siglong ito.
Nananawagan naman si Bernadas sa kanilang mga katuwang sa gobyerno na kumonekta at tumugon sa hamong ito.