-- Advertisements --
Screenshot 2020 03 26 16 12 37
DOH Sec. Franciso Duque III video grab from PTV4

Tila walang preno ang pagdagdag ng bilang ng mga nagkakasakit sa COVID-19 dahil sa pinakabagong data na inilabas ng DOH nitong alas-4:00 ng hapon kung saan umakyat na sa 707 ang total number of cases ng positive sa bansa, matapos na may mag-test positive na 71 ngayong araw.

Sa pambihirang pagkakataon, mula nang mag-virtual presser na lang itong DOH, humarap na si Sec. Francisco Duque III para pagpahingahin muna ang naging abala nitong mga nakalipas na araw na si Usec. Maria Rosario Vergeire.

Si Duque ay katatapos lamang sa home quarantine.

Iniulat ng kalihim na umakyat din sa 45 ang total na bilang ng mga namatay dahil sa pitong bagong death case.

Ang lima sa kanila ay lalaki, habang ang dalawa ay babae.

Mula sa pitong nadagdag, anim ang walang travel history at known exposure.

Pinakamatanda sa kanilang grupo sina PH600 na lalaking 87-year old mula Sultan Kudarat; at PH354 na babaeng 80-year old galing Rizal.

Ang ilang pang namatay ay sina PH278 na babaeng 72-year old mula Rizal; PH540 na lalaking 50-year old na taga-Pasig City; PH636 na lalaking 56-year old mula Pampanga; PH327 na 46-year old sa Laguna; at PH321 na 46-year old ding lalaki sa Rizal.

Habang dalawa ang nadagdag sa mga recoveries na ngayon ay total ng 28.

Batay sa data ng DOH, parehong na-discharge itong sina PH112 at PH28 kahit isang beses lang silang nag-test negative dahil sa pagiging asymptomatic.

Ang isa sa kanila ay 41-year old na lalaking taga-Makati, habang ang isa ay 69-year old na lalaki rin galing Marikina.