-- Advertisements --

Nakabaling ngayon ang atensyon ng buong mundo sa COVID-19 vaccine na gawa ng British biopharmaceutical company na AstraZeneca, kasama ang prestihiyosong University of Oxford.

Isa kasi sila sa mga pinakabagong nag-anunsyo na epektibo laban sa coronavirus disease ang kanilang dinevelop na bakuna.

Ayon sa AstraZeneca, matagumpay na napigilan ng kanilang bakuna ang pagkalat at paglala ng COVID-19 infection ng mga participants ng clinical trial sa Britain at Brazil.

May average na 70% effectivity ang nasabing bakuna, na resulta raw ng pinagsamang 90% at 62% effective turnout matapos bigyan ng kalahati hanggang dalawang dose ang mga participants.

“Positive high-level results from an interim analysis of clinical trials of AZD1222 in the UK and Brazil showed the vaccine was highly effective in preventing COVID-19, the primary endpoint, and no hospitalisations or severe cases of the disease were reported in participants receiving the vaccine. There were a total of 131 COVID-19 cases in the interim analysis.”

“All results were statistically significant (p<=0.0001). More data will continue to accumulate and additional analysis will be conducted, refining the efficacy reading and establishing the duration of protection.”

Sinabi ni Andrew Pollard, direktor ng Oxford vaccine group, 200-million dose ng bakuna ang kaya nilang i-produce sa pagtatapos ng taon.

Hindi rin daw kamahalan ang magiging presyo ng kada shot nito. At pwedeng i-transport at ilagay sa cold storage na may normal na temperatura.

“Excitingly, we’ve found that one of our dosing regimens may be around 90% effective and if this dosing regime is used, more people could be vaccinated with planned vaccine supply. Today’s announcement is only possible thanks to the many volunteers in our trial, and the hard working and talented team of researchers based around the world.”

Ayon sa Department of Health (DOH), natanggap na ng ating Vaccine Expert Panel ang mga dokumento ng AstraZeneca para makapagsagawa ng clinical trials sa mga Pilipino.

“They already submitted their documents to our VEP, doon sa process nakapasa na sila. Noong November 16 nagpasa sila, during that time may kulang pa sa mga documents na sinubmit and immediately last November 18 they were able to complete all documentary requirements,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang media forum.

“Mag-uumpisa na ang evaluation ng VEP at Ethics Review Board para magkaroon na ng start for AstraZeneca for this clinical trial regulatory process.”

Bagamat maganda ang lumalabas na mga impormasyon ngayon tungkol sa bakuna mula Britanya, nilinaw ng opisyal na naka-depende pa rin sa mga ipapasang dokumento ng AstraZeneca ang desisyon para payagan itong magamit dito sa bansa.

“Hindi pa natin masasabi na ito na yung pinaka-practical at pinaka-ideal, kailangan makita natin yung technical na detalye ng bakuna. Maaaring mababa ang presyo, appropriate ang logistical requirement sa iyong bansa, ngunit baka naman hindi natin nakikita na yung detalye ay hindi pala appropriate sa ating populasyon.”

Bukod sa bakuna ng AstraZeneca, nakikipag-usap na rin ang pamahalaan sa iba pang international vaccine developers para sa clinical trials at supply ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago maabot ang target na 60-milyon Pilipino ang mababakunahan para herd immunity.

“We will do this in a three- to five-year period kasi po ang kaya lang natin ma-vaccinate is more or less 20 to 30 million a year,” ani Galvez sa Laging Handa briefing.