-- Advertisements --

Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) at Commission on Elections (Comelec) ang health protocols na iimplementa para sa 2022 election.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III na nakikipagtulungan na aniya ang DOH sa technical level para ma-review ang ipapatupad na health protocols.

Tutulong din ang DOH sa Comelec na matiyak na masusunod ang precautionary measures sa election season.

Nauna nang inihayag ng Comelec na ipinagbabawal na ang public display of affection gaya ng paghalik sa mga bata at pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng campaign period para sa 2022 national at local elections bilang parte pa rin ng tinatawag na new normal sa panahon ng pandemiya.