Sanib pwersa ngayon ang Department of Health at Department of Education sa Ilocos Region para sa pagpapatupad ng Bakuna Eskwela.
Ang naturang programa ay layong mabakunahan ang aabot sa 165,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 7 sa mga pampublikong paaralan sa naturang rehiyon.
Ginawa ni Regional Director Paula Paz Sydiongco ang pahayag sa ginanap na press conference ngayong araw.
Ayon kay Sydiongco, mayroong sapat na bakuna para sa nasabing numero ng mga mag-aaral.
Paliwanag ng opisyal , ang Bakuna Eskwela ay isang school-based immunization program na naglalayong protektahan ang mga kabataan sa mga sakit.
Kinabibilangan ito ng measles, rubella, diphtheria, at human papillomavirus.
Ang Bakuna Eskwela ay alinsunod sa DOH National Immunization Program Department Memorandum No. 2024-250 o ang Interim Guidelines on the Resumption of School-Based Immunization (SBI) matapos ang Covid-19 Pandemic.