-- Advertisements --

Ipaparating ng Department of Health (DOH) at Food and Drugs Adminsitration (FDA) sa Professional Regulation Commission (PRC) ang napaulat na maling pagreresita ng Ivermectin drugs sa publiko.

Ayon sa dalawang ahensiya na hahayaan nila ang PRC na imbestigahan ang mga doktor na nagsagawa ng prescription.

Nagbunsod ang nasabing ulat ng magpamigay ng anti-parasitic drug ng Ivermectin sa ilang residente ng Quezon city ang dalawang mambaabatas.

Mahigpit kasi ang bilin ng DOH at FDA na hindi pa nila inirerekomenda ang nasabing gamot laban sa COVID-19 dahil sa wala pa itong sapat na scientific evidence.