-- Advertisements --

Tinanggal ng Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) ang pangamba ng marami na nagdudulot ng blood “clotting” ang mga natuturukang na COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca.

Makailang ulit aniya silang nakipag-ugnayan sa European Medicine Agency (EMA) kung saan pinabulaanan nila ang nasabing usapin.

Tiniyak din ng FDA at DOH na kanilang mahigpit na imomonitor ang mga nabakunahan na ng AstraZeneca vaccine sa bansa.

Magugunitang sinuspendi ng ilang bansa gaya ng Denmark, Norway at Iceland ang paggamit ng AstraZeneca vaccine dahil sa mga insidente ng pagkakaroon gn blood-clotting sa ilang pasyente na nagdulot pa sa pagkamatay ng isang indibidwal.