-- Advertisements --
May dalang ‘positive vibes’ ang sikat na dance video platform na Tik Tok ngayong panahon ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus pandemic.
Sinabi ni TikTok Philippines User, Content and Community Operations manager Emmanuel John Castro, naka-focused sa kaligtasan at positivity sa mga nag-uupload ng mga videos.
Mismong ang World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) sa mga ahensiya na tumulong para sa kumpanya para magkaroon sila ng mas malawak na audience.
Isa ang kumpanya na nagbigay ng donasyon sa bansa para sa mga frontliners na lumalaban sa coronavirus.