Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pang dahilan para higpitan ang mga protocol sa Pilipinas kasunod ng pagkatuklas ng mga kaso ng monkeypox.
Ginawa ng kagawaran ang pahayag bilang tugon sa plano ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental na posibleng higpitan ang mga regulasyon sa mga seaports para matiyak ang mahigpit na pagsusuri sa kalusugan ng mga pasaherong manggagaling sa Iloilo.
Ito ay matapos kinumpirma ng DOH sa Western Visayas na ang ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa mula sa isang 25-anyos na Pilipino na naninirahan sa Iloilo.
Ang pasyente ay walang dokumentadong travel history papunta o mula sa anumang bansa na may kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Labing-apat na malapit na kontak ang naunang natukoy ng DOH.
Wala silang anumang sintomas ng sakit.
Ang unang 3 kaso ng monkeypox sa bansa ay lahat ay nauugnay sa paglalakbay.
Sinabi ng health department na iniimbestigahan pa nila ang posibilidad ng local transmission ng sakit sa bansa.