-- Advertisements --
image 42

Nakatakdang talakayin mamaya ng Supreme Court (SC) sa gaganaping full court session ang administrative case kaugnay sa mga natatanggap na banta umano sa buhay ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Marlo Magdoza-Malagar.

partikular na tatalakayin ang naunang pagbabanta na idinaan sa social media ni Loraine Marie Badoy, ang dating spokesperson ng National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

kung maalala si Judge Malagar ang nag-dismiss sa petition for proscription na isinampa ng Department of Justice (DOJ) na hinihiling na ideklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong grupo nito na New People’s Army (NPA) bilang mga teroristang organisasyon.

ang desisyon ni Judge Malagar ay umani ng kritisismo lalo na kay badoy.

una nang naglabas ng babala ang korte suprema na papatwan nila ng contempt ang sinumang nagpapakalat ng karasahan sa social media na nagdudulot ng banta sa buhay ng mga huwes at pamilya nila.