-- Advertisements --
Umabot sa 1,902 ang kabuuang bilang ng mga nadagdag sa tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa report ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 404,713 ang numero ng coronavirus cases mula noong Enero.
Pero may 17 laboratoryo umano ang hindi nakapagpasa ng ulat sa COVID-19 Data Repository System kahapon.
Ang Cavite ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng deadly virus sa 122 newly-announced cases.
Sinundan ng Davao city, Quezon City, Bulacan, at lungsod ng Maynila.
Samantala, ang mga nagpapagaling ay nasa higit 34,000 pa.
Ang mga recoveries naman ay umaabot na sa halos 363,000 dahil sa 506 na nadagdag na gumaling.
Habang 31 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 7,752 na.