-- Advertisements --

Umabot lamang sa halos 2,000 ang naitalang bagong kaso ng cornavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw.

Batay sa pinakahuling case bulletin mula sa Department of Health (DOH), nasa 1,990 lamang ang newly-confirmed cases, kaya umakyat pa ang kabuuang bilang ng mga kaso sa 344,713.

Ayon sa ahensya, 17 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.

Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 92% o 1,831 ang nagpositibo sa nakalipas na 14 na araw.

Pinakamarami pa rin ang galing sa National Capital Region, na sinundan ng Region 4A at Region 10.

May ilan din na noong pang Marso hanggang Agosto nagpositibo pero kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.

Sa ngayon, may 44,958 pa na mga aktibong kaso ang nagpapagaling.

Ang total recoveries, umakyat din sa 293,383 dahil sa 327 na nadagdag sa listahan. Habang 40 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 6,372.

Nagtanggal ang DOH ng 93 duplicates mula sa total case count, at 85 sa mga ito ang mula sa tally ng mga gumaling.

Samantalang 11 recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na.