Aabot sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).
Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.
Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.
Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 90% o 3,197 ang nagpositibo sa nakalipas na 14 na araw.
Pinakamarami pa rin ang galing sa National Capital Region, na sinundan ng Region 4A at Region 6.
May ilan din na noong pang Marso hanggang Agosto nagpositibo pero kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.
Sa ngayon, may 43,332 pa na mga aktibong kaso ang nagpapagaling.
Ang total recoveries, umakyat din sa 293,152 dahil sa 150 na nadagdag sa listahan. Habang 11 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 6,332.
Nagtanggal ang DOH ng 89 duplicates mula sa total case count, at 71 sa mga ito ang mula sa tally ng mga gumaling.
Samantalang dalawang recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na.