Pumalo sa 3,749 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, na pinakamataas simula noong Setyembre noong nakalipas na taon.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), lumobo pa sa 607,048 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa.
Ang bilang naman ng mga aktibong kaso ay umabot sa 47,769, na pinakamataas din simula noong Oktubre 2020.
Sa nasabing bilang, halos 96% naman ang mga mild at asymptomatic cases.
Umabot naman sa 406 ang bilang ng mga bagong gumaling mula sa COVID-19, kaya umakyat pa ang recoveries sa 546,671.
Habang may 63 naman bagong namatay dahil sa virus, kaya ang death toll na ngayon ay umabot na sa 12,608.
Apat na laboratoryo lang ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos kahapon.
May siyam na duplicates din ang inalis sa total case count kung saan apat ang recoveries.
Nasa 24 kaso rin ang na-tag bilang recoveries ang na-reclassify bilang death matapos ang isinagawang final validation.