-- Advertisements --

Ipinapanukala ng Department of Health (DOH) ang maximum retail price ng mga gamot para sa cancer, diabetes at ibang mga gamot.

Ito ay dahil sa ang Pilipinas ay may pinakamahal na gamot kumpara sa ibang bansa sa southeast Asia.

Halimbawa dito ay ang gamot para sa cancer na nagkakahalaga ng P4,297 na ito P2,974 lamang sa Thailand at P2,511 naman sa Malaysia.

Ang nasabing mataas na halaga ay patuloy kahit na mayroong Cheaper Medicines Act of 2009 at ang maximum retail price ay huling naipatupad noong 2009 sa limang gamot lamang.

Ayon naman kay DOH Pharmaceutical Division Chief Dr. Melissa Guerrero, na lalagyan lamang nila ng ceiling price yung mga wholesale para ang mga drug stores ay hindi na magkakaroon ng patong pa ang mga presyo.

Pasok dito ang mga gamot para sa hypertension, cardiovascular disease, diabetes, lung cacner, breast, colon and liver, kidney disease.

Idadagdag naman ang mga gamot ng psoriasis, rheumatoid arthritis, asthma, COPD, pain management at neonatal care.