LEGAZPI CITY – Pinawi ng Department of Health (DOH) Bicol ang pangamba ng mga Level II hospitals sa rehiyon na hindi pa nakakatanggap ng bakuna.
Ayon kay DOH Bicol Asst. Regional Director Dr. Ferchito Avelino sa isinagawang press briefing kasabay ng pagdating ng 12, 000 doses ng Sinovac vaccines, kaylangan munang magsagawa ng simulation exercises bago mabigyan ng bakuna.
Ipinaliwanag din nito na inactivated vaccine ang bakunang gawa ng Sinovac dahil patay na virus ang laman nito subalit walang kakayanang makapag-infect.
Nakakapag-produce umano ito ng antibody na makakatulong na malabanan ang sakit.
Paliwanag pa ni Avelino na kahit mababa ang efficacy rate ng bakuna lumabas sa clinical trials, nagbigay naman ito ng 100% protection upang hindi magkaroon ng malalang epekto sakaling magkasakit.
Normal naman aniya na mamaga ang area na binakunahan gaya ng pagpa-immunize ng mga sanggol.