NAGA CITY- Nag-apela ngayon ng pagkakaisa ang Department of Health (DOH-Bicol) dahil sa halos ilang araw nang pangbabatikos ng publiko, pulitiko at iba pang mga institusyon dahil sa isyu sa COVID-19.
Una rito, naging laman ng kontrobersya ang nasabing ahensya matapos ang nangyaring kalituhan sa umano’y positive patient sa Camarines Sur, at ilang positive patient sa Albay, at ang umano’y mabagal na pagpapalabas ng update.
Sa naging pahayag ng ahensya, nanawagan ito ng pagkakaisa at mabuting kalooban sa gitna ng kinakaharap na problema sa bansa.
Aminado rin ang DOH na mayroon talagang mga pagkukulang ngunit nag-apela ito na idaan sa tamang paraan at bigyan sila ng respeto.
Dagdag pa nito, bukas naman sila sa mga rekomendasyon mula sa publiko.
Tiniyak naman ng ahensya ng gagawin nila ang lahat sa abot ng kanilang makakaya sa paglaban sa nasabing sakit.
Sa ngayon mayroon ng pitong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.