-- Advertisements --
SARS CoV 2 virus NatGeo
IMAGE | The SARS-CoV-2 virus

MANILA – Patuloy na nakakapagtala ang Pilipinas ng mga bagong kaso ng “variants of concern” ng COVID-19 virus na SARS-CoV-2.

Batay sa resulta ng pinakahuling genome sequencing na ginawa ng UP-Philippine Genome Center (PGC) at UP-National Institutes of Health (UP-NIH), nadagdagan ng 46 ang B.1.1.7 cases; 62 kaso sa B.1.351; at anim sa P.3 variant.

“These additional cases were among the 150 samples composed mostly of samples from National Capital Region (NCR) laboratories. Information of cases with these variants are being investigated and verified,” ayon sa press release ng Department of Health (DOH).

Una nang sinabi ng DOH na 750 samples ang isinasailalim sa isang batch ng genome sequencing kada linggo.

Wala pang paliwanag ang ahensya kung bakit hindi umabot sa target na bilang ng samples ang dumaan sa naturang proseso ng ika-11 batch.

B.1.1.7 VARIANT CASES

Ayon sa DOH, 36 mula sa mga bagong kaso ng B.1.1.7 variant ang local case mula sa NCR, dalawa ang returning overseas Filipino (ROF), at walo ang inaalam pa ang impormasyon kung saan nakatira.

Sa ngayon aabot na sa 223 ang kaso ng B.1.1.7 variant na unang nadiskubre sa Untied Kingdom.

“As to status, case database shows that 45 cases are still active and 1 is already recovered.”

“The two ROFs detected have the following regions as their indicated addresses – Cagayan Valley and Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).”

Ayon sa mga pag-aaral, may natatanging katangian ang B.1.1.7 variant kaya naging mas nakakahawa ang SARS-CoV-2.

B.1.351 VARIANT CASES

Samantala, local cases din ang 43 sa mga bagong kaso ng B.1.351 variant. Ang 41 ay mula NCR, at dalawa ang taga-Calabarzon.

Inaalam naman ang iba pang impormasyon sa 19 iba pa.

“Based on the case line list, 60 cases are still active and two have recovered. “

Sa ngayon, nasa 152 na ang total cases ng B.1.351 variant na unang beses naman natagpuan sa South Africa.

Bukod sa katangian na mas nakakahawa, sinabi rin mga eksperto na may kakayahan ang virus na labanan ang bakuna.

P.3 VARIANT CASES

Bukod sa mga “variants of concern” ng SARS-CoV-2, nakapagtala rin ang PGC at UP-NIH ng mga bagong kaso ng P.3 variant, na unang natagpuan dito sa Pilipinas.

Ang apat sa kanila ay local cases, habang dalawa ang inaalam pa ang mga impormasyon. Aabot ng 104 ang kaso ng P.3 variant.

“All six cases are currently active.”

Binigyang diin naman ng mga ahensya na hindi pa maituturing na “variant of concern” ang P.3.

“As current available data are insufficient to conclude whether the variant will have significant public health implications.”

Binigyang diin ng Health department ang paalala sa publiko sa health protocols at pag-iwas na pumunta sa mga lugar na matao

“With the upcoming Holy Week, the DOH encourages everyone to avoid large congregations and practice religious activities at home.”

“Strict adherence to the minimum public health standards in all private and public settings is strongly emphasized to minimize COVID-19 transmission and avoid further mutations.”

Ngayong araw, March 20, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na umabot ng 7,999.

Aabot na sa 656,056 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas. (with report from Bombo Dave Pasit)