-- Advertisements --

Umakyat na sa 27,000 ang bilang ng measles cases sa unang tatlong buwan ng taon.

Ayon sa Department of Health (DOH), mas mataas ito ng limang beses kumpara sa 5,000 cases na naitala sa kaparehas na period noong 2018.

Mula Enero hanggang noong Marso 30 ng kasalukuyang taon, nakapagtala ang Epidemiology Bureau ng DOH ng 26,956 measles cases, kung saan 381 dito ay binawian ng buhay.

Noong 2018, 5,605 cases ang naitala ng kagawaran na may 51 patay.

Halos 60 percent daw ng naitalang kaso ng tigdas ngayong taon ay pawang mga kabataan na hindi naturukan ng measles vaccine.

Ito ay matapos na bumagsak din ang rate ng measles immunization ng 40 percent kasunod ng scare na idinulot ng kontrobersiyal na anti-dengue Denvaxia vaccination program ng pamahalaan.

Gayunman, may hanggang Abril 8 ang DOH para sa kanilang isinasagawang measles vaccination campaign sa mga paaralan.