Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mas magiging alerto ang ahensya kahit patuloy na bumababa ang bilang ng mga indibidwal na iniimbestigahan dahil sa banta ng novel coronavirus (COVID-19).
Batay kasi sa latest bulletin ng DOH, 171 patients under investigation pa ang mga nasa pagamutan.
Kung ihahanay ito sa accumulative count ng ahensya na 521 PUI mula Enero, 453 ang tested negative, habang 347 na ang na-discharged.
“The decrease in our admitted PUIs reflect the Department’s strengthened surveillance, assessment, and management interventions for the COVID-19 Health Event. Although we see a decreasing trend, the Department will not be complacent and will be more vigilant as we brace for the possibility of local transmission in our country,” ani Health Sec. Francisco Duque.
Sa ngayon pag-uusapan pa raw ng Inter-Agency Task Force kung tuloy ang planong pag-evacuate sa higit 500 Pilipino na sakay ng M/V Diamond Princess, ang cruise ship na stranded ngayon sa Japan.
“Kung ano yung kino-consider ng Inter-Agency Task Force as a facility for them (Pinoys from cruise ship) to be quarantine, paguusapan pa. Ngayon hapon may technical working group meeting regarding this matter and tomorrow there would be this high level inter-agency task force meeting to have this discussion,” kinumpirma ni Asec. Maria Rosario Vergeire.
Siniguro rin ng DOH na tatapusin ng kanilang Epidemiology Bureau, kasama ang PNP ang interview sa traced contacts ng tatlong nag-positibo ng COVID-19 sa Pilipinas.
“We are working with the PNP-CIDG and concerned local government units to expedite our contact tracing for the 3rd confirmed case. DOH is keen on ensuring that all those who may have come in contact with this case be immediately assessed and facilitated,” ani Duque.