-- Advertisements --
DOH

Binati ng Department of Health ang mga bagong doktor sa bansa, kasunod ng paglabas ng resulta ng October 2023 Physician Licensure Examination.

Sa statement na inilabas ng DOH, nakasaad dito ang pagpupugay ng kagawaran sa tinawag nitong ‘exceptional achievement’ ng mga bagong doktor.

Ayon sa DOH, ito ay nagpapatunay ng kanilang dedikasyon at proficiency sa medical field.

Hinikayat din ng ahensiya ang mga bagong doktor na gawin ang kanilang tungkulin bilang mga manggagamot at manindigan sa pinakamataas na standards na sinusunod sa ilalim ng healthcare.

Ayon sa ahensiya, kailangang magsilbi ang mga ito bilang haligi ng kalusugan ng sambayanang Pilipino.

Dagdag pa ng ahensiya na ang commitment ng mga bagong doktor ay magtitiyak sa katatagan ng healthcare system ng bansa sa hinaharap.