Bukas ang Department of Health (DOH) sa posibilidad na pagturok ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech sa mga kabataan.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie, na pag-aaralan ng mga local experts ang paggamit ng CoronaVac sa mga grupo ng mga kabataan kapag nagsumite na ang Chinese drugmaker ng pagbabago sa kanilang emergency use authorization.
Dagdag pa nito na kapag napatunayan na ligtas ito sa para protektahan ang mga kabataan ay malaki ang posibilidad na magamit na ito sa bansa.
Magugunitang binigyan ng DOH ng Emergency Use Authority ang Sinovac noong Pebrero para lamang sa mga may edad 18 hanggang 59-anyos at nitong Abril ay pinalawig ng Food and Drugs Administration (FDA) ang paggamit nito para sa mga senior citizens.