Itinaas na rin ng Department of Health-CALABARZON ang alert level nito sa Code White simula ngayong araw at magtatagal hanggang sa Enero-dos.
Ito ay bahagi pa rin ng paghahanda ng ahensiya para sa anumang mga pangyayari, kasabay ng pagsalubong at selebrasyon sa Bagong Taon.
Ayon kay said DOH-Calabarzon Director at OIC Assistant Secretary of Health Ariel Valencia, nangangahulugan ito ng ibayong pagbabantay ng ahensiya sa sitwasyon ng buong rehiyon, mula sa iba’t ibang mga insidente na may kaugnayan sa kalusugan ng mga residente.
Kinabibilangan ito ng mga biktima ng paputok, disgrasya, at iba pang mga insidente.
Sa ilalim ng Code White Alert, tinitiyak nito ang kahandaan ng mga medical personnel na nasa mga ospital at mga health offices upang magbigay ng sapat na serbisyo sa mga nangangailangan.
Hanggang kahapon, nakapagtala ang DOH -CALABARZON ng apat na fireworks-related injuries. Ito ay mas mataas kumpara sa dalawang kasong naitala sa mga nakalipas na taon.