-- Advertisements --
image 156

Nagpahayag ng pag-apruba si Department of Health Secretary Teodoro “Ted” Herbosa para sa legalisasyon ng medikal na paggamit ng marijuana ngunit hindi para sa pagtatanim at pagmamanupaktura nito sa bansa.

Kung ang medical cannabis ay magiging legal, maaari itong magamit ng mga pasyente na dumaranas ng cancer, glaucoma, seizure disorders, at iba pang mga sakit.

Inulit din ni Herbosa na ang medical marijuana ay magagamit na, ngunit para lamang sa mga pasyente na nabigyan ng “special permit” ng Food and Drug Administration.

Kung matatandaan, si Senior Deputy Speaker at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kasama si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez, ay inendorso ang legalisasyon ng marijuana para sa mga layuning pangkalusugan noong Mayo sa pamamagitan ng House Bill (HB) 7817, na kilala rin bilang “Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.”

Ito ay muling paghahain ng HB 6517, na umabot sa ikalawang yugto ng pagbasa sa 18th Congress ngunit nabigo itong makarating sa plenaryo ng Kamara.

Giit ni Herbosa, na ang paggamit ng cannabis para sa mga layuning medikal ay ibinibigay ng parehong umiiral na international at national la