-- Advertisements --

Hinimok ni Department of Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na magsuot ng face mask sa gitna na rin ng pagtaas ng kaso ng respiratory illness.

Partikular na sa mga matatanda, mga bata at persons with comorbidity gayundin ang mga mayroong flu-like symptoms.

Pinayuhan din ang mga nakakaranas ng flu-like symptoms na manatili na lamang sa bahay hanggang sa makarekober upang hindi makahawa sa iba.

Sa ngayon, nilinaw naman ng kalihim na walang ‘walking pneumonia’ outbreak sa Pilipinas na nararanasan na sa China. bagamat nakitaan ng pagdami sa respiratory illness at kaso ng COVID kung saan isa nga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa muling dinapuan ng sakit.

Siniguro naman ng kalihim na mahigpit na nakabantay ang DOH Epidemiology Bureau sa mga kaso ng resporatory illness sa ating bansa.

Ginawa ni Herbosa ang naturang pagtitiyak matapos kumpirmahin ng makapangyarihang Commission on Appointments ang kaniyang pagkakatalaga bilang kalihim ng DOH.

Top