-- Advertisements --

Inilatag ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga prayoridad ng ahensiya para ngayong 2024.

Kabilang dito ang plano ng kagawaran na i-modernize ang primary care center sa mga barangay para matugunana ang hindi pagkakapantay-pantay sa health services sa mga mahihirap na pamilya.

Ayon sa kalihim, magpapatayo ng mga ambulatory care center na kumpleto na ang mga laboratoryo at mga gamot upang hindi na magsiksikan ang mga tao sa malalaking ospital.

Saad pa ng DOH chief sa nakalipas na taon nagawang ma-improve ang bed capacities ng mga ospita kung kayat target naman ngayon ng ahensiya na pagibayuhin pa ang health facilities sa mga lugar na malalayo sa ma regional hospitals.

Bahagi din ng prayoridad ng DOH ngayong taon ang pagpapataas pa ng immunization rate ng mga bata na below 5 years old at pababain ang porsyneto ng malnutrisyon mula sa 27% sa 15%.

Target din ng ahenisya na matugunan at matutukan ang maternal mortality, teenage pregnancy, HIV cases, at non-communicable diseases gaya ng high blood pressure, heart problems, diabetes, at cancer sa bansa.