-- Advertisements --
doh cases 06202020

Umakyat na sa kabuuang 29,400 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa panibagong case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), umabot sa 943 ang panibagong mga kaso na naiulat ngayong Sabado.

Sa naturang bilang, 578 ang itinuturing na fresh cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Mayroon namang 365 late cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate.

Samantala, lumobo na sa 7,650 ang bilang ng mga gumaling mula sa nakahahawang sakit matapos madagdagan ng 278.

Habang ang dealth toll naman ay nasa 1,150 bunsod ng 20 na panibagong namatay bunsod ng coronavirus.

Sa napaulat na mga death cases, 15 (75%) ang nangyari noong Hunyo 5 hanggang 16.

Dalawang duplicate din umano ang inalis mula sa kabuuang case count.