-- Advertisements --

Aabot lang sa 1,635 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa nakalipas na magdamag, batay sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng ahensya.

Dahil dito, umakyat pa sa 291,789 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa Pilipinas.

Ito ang pinakamababang additional cases na inireport ng Health department mula sa 1,371 cases na inireport noong September 7.

Ayon sa DOH, siyam na laboratoryo lang ang hindi nakapag-submit ng kanilang mga report sa COVID-19 Data Repository System (CDRS). Kabilang dito ang:

  1. Bacolod Queen of Mercy Hospital
  2. Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (TALA) – GeneXpert Laboratory
  3. Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital
  4. Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center
  5. Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (GX)
  6. Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (RT-PCR)
  7. Taguig City Molecular Laboratory
  8. The Doctors Hospital, Inc.
  9. Valenzuela Hope Molecular Laboratory

“Of the 1,635 reported cases today, 1,435 (88%) occurred within the recent 14 days (September 9 – September 22, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (506 or 35%), Region 4A (242 or 17%) and Region 6 (148 or 10%).”

Samantala, ang bilang ng mga nagpapagaling pa ay nasa 56,097. Kung saan nananatiling nasa 3.1% ang mga critical, na mas mataas mula sa less than 1% noong nakaraang buwan. Ang mga mild naman ang pinakamarami sa 86.4%.

Ang bilang ng mga gumaling ay nadagdagan pa ng 450, kaya ang total recoveries ay nasa 230,643. Nasa higit 5,000 naman na ang mga namatay dahil sa 50 additional deaths. Ang total ay nasa 5,049.

“Of the 50 deaths, 38 occurred in September (76%), 8 in August (16%) 3 in July (6%) and 1 in April (2%). Deaths were from NCR (20 or 40%), Region 6 (10 or 20%), Region 4A (8 or 16%), Region 3 (4 or 8%), Region 9 (3 or 6%), CAR (2 or 4%), Region 5 (1 or 2%), Region 7 (1 or 2%), and BARMM (1 or 2%).”

Aabot sa 34 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kung saan 21 ang recoveries. May dalawa ring recovered cases ang natukoy na negative pala sa final validation.

Habang 17 iba pang recoveries ang pinalitan ng tagging matapos matukoy na 16 ang patay na at isa ang nagpapagaling pa.