-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi na ibabalik ng pamahalaan ang kontrobersyal na Dengvaxia.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na wala pa ring siyentipikong basehan ang makakapagsabi kung talagang epektibo ang bakuna kontra dengue.
Ito’y kasunod ng kontrobersyang pumutok noong nakaraang taon kung saan marami umanong namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.
Sa kabila nito, nilinaw din ng kalihim na hindi pa maaaring sabihin na ang naturang anti-dengue vaccine nga ang sanhi ng mga kaso ng pagkamatay.
Nitong Lunes nang ideklara ng DOH ang national dengue alert dahil sa biglang lobo at patuloy na pagtaas ng bilang ng dengue patients mula Enero.