Ipinagtanggol ng Department of Health (DOH) ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) tungkol sa exemption ng opisyal ng pamahalaan na nasa official business sa pagpapa-test at quarantine.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, layunin ng exemption sa mandatory testing at quarantine protocols na hindi maantala ang mga transaksyon ng gobyerno.
“This (guideline) has been decided in the IATF. Noong dinesisyonan iyan, ang talagang objective is for us not to delay government transactions,” wika ni Vergeire.
“And usually, ‘pag tiningnan naman natin, ‘yung ating mga officials ng government ‘pag pupunta from one place to another, they do not take long: sometimes dalawa, tatlong oras lang at sila’y aalis na rin doon sa puwesto,” dagdag nito.
Nilinaw naman ng opisyal na dapat ay sumunod pa rin ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno sa ipinapatupad na minimum health protocols.
“For government officials, ‘pag may nararamdaman na ho kayo, ‘wag na ho kayong magtrabaho para naman ho hindi tayo makapasok sa isang lugar at makapagkalat tayo ng sakit diyan,” ani Vergeire.