-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatili pa rin ang ipinapatupad na mga hakbang gaya ng mahigpit na border control sa kabila ng pagluluwag sa travel restrictions sa 10 mga bansa.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng IATF na pag-alis sa travel ban sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, UAE, , Thailand, Malaysia at Indonesia.

Paliwanag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na gumanda na aniya ang covid19 situation sa mga bansa gaya ng India, indonesia at Malaysia na nasa moderate risk na kung kayat isinama ang mga ito sa yellow list countries.

Pinawi din ng kagawaran ang pangamba ng publiko sa pagsasabing mananatiling strikto ang pagpapatupad ng border control kung saan lahat aniya ng mga dumarating na biyahero sa bansa ay kailangang sumailalim sa 14 days quarantine at mag-undergo ng RT-PCR test sa ikapitong araw mula sa kanilang pagdating sa bansa.