-- Advertisements --

MANILA – Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine na gawa ng kompanyang AstraZeneca sa mga indibidwal na may edad 60-anyos pababa.

Ito ay kasunod ng mga report na may ilan sa mga nakatanggap ng AstraZeneca vaccine sa ibang bansa ang nakaranas ng blood clotting o pamumuo ng dugo, at pagbaba ng platelet count matapos mabakunahan.

“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo sa isang statement.

Ayon sa opisyal, bagamat wala pang naitatalang kaso ng pamumuo ng dugo at mababang platelet count sa mga nabakunahan ng AstraZeneca sa Pilipinas, ay kailangan ihinto ang pagbabakuna para matiyak ang kaligtasan ng populasyon.

“As we await results of the review being done by our local experts, as well as the official guidance of the WHO (World Health Organization).”

Sa ngayon wala pa naman daw naitatalang kaso ng naturang insidente ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) mula sa mga nabakunahan ng British-Swedish vaccine.

Gayunpaman, patuloy ang monitoring ng mga Pilipinong dalubhasa para matugunan ang mga posibleng side effect.

Binigyang diin ni Domingo na bagamat sinuspinde ang pagbabakuna ng AstraZeneca, hindi nangangahulugan na delikado at hindi epektibo ang nasabing bakuna.

“It just means that we are taking precautionary measures to ensure the safety of every Filipino. We continue to underscore that the benefits of vaccination continue to outweigh the risks and we urge everyone to get vaccinated when it’s their turn.”

Nanawagan ang mga ahensya sa publiko, lalo na sa mga senior citizen at may comorbidity, na magpabakuna pa rin laban sa COVID-19 dahil ligtas at libre ang mga bakuna.