-- Advertisements --

Gagawa pa ng mas maraming mobile tents bilang isolation o ICU facilities dahil sa patuloy ang pagdami ng mga pagamutan ang naabot na ang full capacity bunsod ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na mayroon na silang lugar na tinukoy ng gobyerno kung saan ilalagay ang mga tents na kayang humawak ng 200 na karagdagang hospital beds.

Tulad aniya ng ginawa ng bansa ng tumaas ang kaso ng COVID-19 ay nagtayo ang mga ito ng mobile hospitals.

Bukod sa mga mobile tents ay naglagay din ang gobyerno ng karagdagan critical care facility para sa 100 ICU beds sa Quezon Institute in Quezon City.

Habang sa karagdagan 160 beds ang idinagdag sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan.

Aminado si Roque na maging ang DOH ay nagbigla sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.